‘Panty joke’ ni Vice kay Ashley Graham binatikos

UMANI ng sandamakmak na atensyon, kabilang na ang mga bashers sa punchline ni Vice Ganda sa suot ng American plus-size model na si Ashley Graham.
Si Ashley ang nagsilbing backstage host ng Miss Universe 2018 grand coronation sa Bangkok, Thailand kahapon ng umaga.
Isa si Vice sa mga local celebrities na wala ring tigil sa pagtu-tweet tungkol sa naganap na Miss U. Pero ang talagang pinag-usapan ay ang kanyang Twitter post tungkol sa suot daw na panty ni Ashley.
Maling underwear daw kasi ang suot ng international model para sa kanyang body-hugging, halter dress. Tweet ng Unkabogable Star, “Di maganda yung panty na suot nung anchor na naka white pinagbukol bukol yung balakang nya. Try So-en next time.”
Maraming um-agree kay Vice pero marami rin ang umalma rito.
Ayon kay @kurtprls, “Plus size model siya meme. Ayan na naman tayo sa body shaming.”
Sey ni @nameislea, “Do you expect us to laugh with this joke?”
“Alam mo yung hindi maganda? To ridicule people based on their garments. Sana you know how it feels especially you’re a celebrity where people used to bash you dahil sa suot mo,” komento ni @JerickJaafarT.
Sabi naman ni @xzyroneee, “Asan na yung ‘embrace your own beauty’ campaign mo?”

Read more...