Thea sukdulan na ang kasamaan, pinalamon ng pera si Kris | Bandera

Thea sukdulan na ang kasamaan, pinalamon ng pera si Kris

Ervin Santiago |December 17,2018
facebook
share this

Thea sukdulan na ang kasamaan, pinalamon ng pera si Kris

Ervin Santiago - December 17, 2018 - 12:10 AM

TALAGANG hindi na paaawat ang Kapuso actress na si Thea Tolentino sa pagiging kontrabida. Siya na ang binabansagan ngayong younger version ng mga la primera contravida na sina Jean Garcia at Cherie Gil.

Muling pinatunayan ni Thea ang kanyang versatility sa umeereng afternoon series ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko after Eat Bulaga. Hindi siya nagpapalamon sa galing sa mga co-stars niya sa serye na sina Kris Bernal at Rayver Cruz.

In fairness, talagang galit na galit sa kanya ang mga televiewers dahil sa kanyang kasamaan bilang si Venus na gagawin ang lahat para lang maangkin si Gavin (Rayver) kay Rachel (Kris). Bukod diyan, hindi rin siya nagpatalbog kay Kris pagda-ting sa paseksihan at pagbibilad ng katawan.
Sa isang episode nga ng Asawa Ko, Karibal Ko, i-binilad ni Thea ang kanyang flawless at kumi-kinang na kaputian na umani ng positive comments mula sa mga netizens.

Nitong nakaraang linggo, pinag-usapan na naman ng mga manonood ang bonggang eksena nina Thea at Kris kung saan sinugod uli ni Venus si Rachel para sabihang lumayas na siyang tuluyan sa buhay nila ni Gavin.

Ito’y matapos ngang sabihin ni Gavin sa kanya na hindi ibig sabihin na wala na sila ni Rachel ay magkakabalikan na sila kaya mas lalong na-bad trip ang mapagpanggap na transwoman na dating si Nathan (ginampanan ni Jason Abalos) na ex husband ni Rachel.

Ipinamukha nga ni Venus kay Rachel na kung kailangan lang nito ng pera para buhayin ang anak ay kayang-kaya niya itong bigyan kapalit ng paglimot kay Gavin. Dumukot si Venus ng pera sa bag sabay ibinato sa mukha ni Rachel. At hindi pa nasiyahan, kumuha uli ng lilibuhin at saka pinakain sa dati niyang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending