HABANG papalapit na ang Miss Universe 2018 (magaganap na ngayong Lunes ng umaga, Manila time), mas lalo pang tumitindi ang pag-asa ng marami na si Catriona Gray ang magiging ang ikaapat na Pinay na mag-uuwi ng korona.
Bukod sa pagiging isa sa mga early favorites na laging pinag-uusapan sa social media, talagang ipinakikita ng ating pambato ang kanyang bonggang kakayahan, talino at ganda sa lahat ng activities ng pageant.
Matapos ang kontrobersyal na National Costume na kanyang inirampa sa pre-pageant, agad itong nakatanggap ng imbitasyon mula sa National Quincentennial Committee under the National Historical Commission of the Philippines para personal na irampa ang naturang “natcos” sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Circumnavigation of the World.
Ayon pa sa aming nakatsika mula sa naturang ahensya, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng instruction para imbitahan si Catriona through her glam team na nasa Thailand din ngayon.
Kaya sa iilang basher at hater na nanglait sa national costume ni Catriona, mamatay na lang kayo sa inggit. Sa pagkakaalam namin, never pang nagkaroon ng beauty contestant na naimbitang irampa ang kanyang national costume sa isang makasaysayang pagdiriwang. And that’s for the record!
Aside from this, lumikha rin ng ingay ang ating bet sa Miss U during the swimsuit and evening gown competition sa ginanap na pre-pageant. Sikat na sikat na nga ngayon ang kanyang “slow mo” walk.