Heart napiling maging judge sa pagbabalik ng Starstruck sa GMA

HEART EVANGELISTA

Kasado na ang bagong programa ni Heart Evangelista sa GMA Network. This time, hindi muna siya aarte dahil sa edition ng Starstruck 2019, isa ang Kapuso Sweetheart sa magiging judge sa pagbabalik ng nasabing artista search.

Dream talaga niyang maging hurado sa nasabing reality talent search ng GMA. “Hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihing, ‘I’m sorry but it’s a no.’ But I’m very excited for the project.”

Isa ang Starstruck sa bahagi ng bagong kontrata niya sa GMA. Nitong nakaraang araw ay nag-renew siyang muli ng exclusive contract sa Kapuso network.

“It’s very natural that I’m really here. I’ve been with GMA for a very long time so malaki rin talaga ang utang na loob ko sa kanila for being there for me. They are very supportive pagdating sa aking international commitments,” pahayag ni Heart.

Ayon naman kay assigned talent manager for Heart sa GMA Artist Center na si Gigi Lara, “We are very happy that Heart decided to join GMA Artist Center at this point in her career. Matagal na siya sa GMA. We have seen how hard-working and professional she is so we’re very excited to be working with her.”

Tumatanaw ng malaking utang na loob sa Kapuso channel ang asawa ni Sen. Chiz Escudero dahil bukod sa magagandang projects eh supportive din sila sa kanyang mga international commitments.

Matagal man bago nasundan ang huli niyang series na My Korean Jagiya, naging abala naman si Heart bilang painter, author, beauty icon, fashion influencer at advocates ng kalusugan ng mga bata at animal welfare.

Read more...