Maine nagluluksa sa pagkamatay ng loyal fan dahil sa cancer

MAINE MENDOZA

NAKIDALAMHATI si Maine Mendoza sa pagkamatay ng isa niyang tagahanga dahil sa sakit na cancer.

Sa Twitter account ni Meng, inilabas niya ang tweet ng tagahanga (Jessie Barrios) nu’ng personal niyang ma-meet ang idolo.

Tweet ni Jessie, “Hindi ko makalimutan yung mukha ni Maine. Nu’ng nagkuku-wento na ako sa harap niya, talagang nakatingin sya, nakikinig.

“Hindi pa din ako makapaniwalang nakahalubilo ko sya kahit sobrang sandali lang,” sabi pa ng yumaong fan ni Meng.

Sa isang video na naka-post sa account ni Jessie, face to face silang nag-uusap ni Maine. Kahit ilang sandali lang ‘yon eh, ramdam na ang kaligayahan sa may sakit.

Nagparating naman si Meng ng mensahe para kay Jessie sa pamamagitan din ng Twitter, “Such a sad news. Rest in peace, Jessie. Salamat dahil lumaban ka. I will always treasure the moment I met you.”

Samantala, nasa Cebu City kahapon ang Dubsmash Queen kasama sina Vic Sotto at Coco Martin pati na ang ibang cast ng “Jack Em Popoy” para sa isang motorcade at mall show. Ngayong araw naman, susugod ang tropa sa Davao City.

Read more...