Richard super nag-enjoy katrabaho si Vice: Parang naglalaro lang kami

RICHARD GUTIERREZ

Unforgettable para kay Richard Gutierrez ang makatrabaho ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa 2018 MMFF entry na “Fantastica.”

“Ang gaan-gaan ng trabaho, sobrang saya kasama ni Vice para kaming naglalaro sa set. Bawat eksena kailangan may punchline,” chika ni Richard tungkol sa unang pagsasama nila ng TV host-comedian.

First time ni Richard sasabak sa isang comedy film at kasali pa sa MMFF kaya super excited na ang aktor. Grabe raw ang tawanan nila habang kinukunan amg mga eksena nila. Sabi nga ni Vice, “Humirap din at the same time, kasi yung mga simpleng eksena humahaba dahil sa kahaharot namin.”

Abangan n’yo rin daw ang makasaysayang kissing scene ni Vice kay Richard at sa isa pa niyang leading man na si Dingdong Dantes, “Yes, mayroon akong kissing scene. First time akong pinagbigyan ng Star Cinema, matagal ko nang nire-request ‘yun. Pinagbigyan nila ako, kasi baka hindi ko na makasama ulit si Chard at si Dong.”

Read more...