James rumesbak sa nanglalait kay Nadine: I love and support her!

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

BINUWELTAHAN ni James Reid ang mga bashers ng kanyang girlfriend na si Nadine Lustre na kumukuwestiyon sa kakayahan nito bilang isang singer-performer.

May mga netizens kasi na nagdududa sa talent ni Nadine sa pagkanta matapos siyang mapasama sa roster of artists ng bagong record label na Careless Music Manila, na pag-aari ni James at ng Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario.

Pinaalalahanan din si James ng ilan niyang supporters na piliing mabuti ang kukuning artists sa bago nilang recording company dahil baka raw malugi agad sila at malasin sa negosyo.

Sinagot ni James ang mga haters at ipinagtanggol ang kanyang dyowa. All out pa rin daw ang suporta niya kay Nadine at naniniwala siya sa talent ng dalaga. Aniya, hangga’t maaari ay ayaw na niyang i-entertain ang mga nega para mas maging maganda ang pasok ng 2019.

Narito ang kabuuan ng message ni James para sa bashers ni Nadine, “I love and support Nadine.

Careless too. Don’t question that. Of course we don’t condone any hateful comments towards anyone.

“Honestly I don’t think it’s worth anyone’s time addressing them. Let’s focus on positivity Careless won’t be working with anyone that insults my artists,” aniya pa.

Read more...