Cagayan Valley nauwi ang ika-2 sunod na panalo

Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. PLDT-MyDSL vs Cagayan Valley
4 p.m. Petron vs TMS-Army
6 p.m. PCSO-BingoMilyonaryo vs Cignal

NAKUHA ng Cagayan Valley ang ikalawang sunod na panalo habang bumangon ang TMS-Army sa pagkatalo sa unang laro nang kalusin ang Cignal sa Philippine Super Liga Invitational kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Bumangon si Joy Benito sa dalawang krusyal na error sa deciding fifth set nang nailusot ang matitinding spikes sa mga blockers ng PCSO-Bingo Milyonaryo tungo sa 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13 panalo.

Naglaho ang 9-4 kalamangan at nakitang lumamang pa ang Bingo Milyonaryo sa 11-10, sa error ni Benito, huling nagtabla ang dalawa sa 13-all dahil sa isang error pa ng 2009-2010 Most Valuable Player ng NCAA at nanalo ng limang titulo habang naglalaro sa San Sebastian College.

“Nadulas ako. Pero humugot ako sa lakas ng mga kasamahan ko dahil team kami kung maglaro,” wika ni 22-anyos na si Benito na may 18 puntos mula sa 15 kills at 1 block.

Si Joy Cases ay mayroon ding 18 puntos habang 12 ang ginawa ni Sandra Delos Santos para manalo uli ang Lady Rising Suns kahit umabot uli sa five sets ang tagisan.

“Kami ang huling nakabuo ng team at wala pa kaming permanenteng court para mapagsanayan. Pero very coachable ang mga players na ito kaya matiyaga sila at naglalaro as a team,” papuri ni Cagayan Valley coach Nestor Pamilar.

Read more...