Serye ni Angel papalitan na nga ba ang Probinsyano?

ANGEL LOCSIN

GRABE bossing Ervin, buhay na buhay pa rin talaga ang supporters ni Angel Locsin na patuloy na nangungulit sa amin kung kailan ang airing ng bago niyang serye na The General’s Daughter at kung anong programa ang papalitan nito sa primetime.

Sa totoo lang wala pa rin kaming alam dahil lahat ng tinanong namin sa Dreamscape Entertainment ay hindi kami binalikan ng sagot.

Kagabi, Biyernes ipinalabas ang full trailer ng The General’s Daughter sa FPJ’s Ang Probinsyano at nakakapanindig-balahibo dahil sobrang ganda, walang kiyems, kaya naman pala inaabangan na kung kailan ito ipalalabas sa 2019.

Obviously, si Angel ang bida at base sa trailer ay isa siyang military nurse dahil tsine-tsek up niya ang isang may sakit. Anak siya ng heneral na ginagampanan ni Albert Martinez.

Kasama rin sa serye sina Tirso Cruz III, Janice de Belen, JC de Vera, Paulo Avelino, Eula Valdez, Arjo Atayde, Ryza Cenon at Maricel Soriano.

Ang ganda-ganda ni Angel sa trailer, talagang nag-effort siyang paghandaan ang kanyang pagbabalik pagkatapos ng La Luna Sangre.

Samantala, excited na rin si Regine Velasquez dahil siya pala ang kakanta ng soundtrack ng The General’s Daughter na may titulong “Maaari Ba?”

Ang programa ay mula sa direksyon nina Mervyn Brondial at Manny Palo mula sa Dreamscape Entertainment headed by Deo Endrinal.

Read more...