Mga Laro Ngayong Sabado (Dec. 15)
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. Cignal vs Generika-Ayala
6 p.m. Petron vs F2 Logistics
IPAGPAPATULOY ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers, ang dalawa sa pinakamahusay na club team sa bansa, ang kanilang matinding labanan sa Game 1 ng 2018 Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals series ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Dakong alas-6 ng gabi magsasalpukan ang Blaze Spikers at Cargo Movers na nakahanda para sa matinding bakbakan sa kanilang ikalimang sunod na finals duel sa prestihiyosong women’s club tournament na suportado ng Asics, Isuzu, Mikasa, Senoh, Mueller, UCPB Gen at Bizooku katuwang ang Genius Sports bilang technical provider.
Bago ang nasabing finals duel ay magsasalpukan muna ang Cignal at Generika-Ayala ganap na alas-4 ng hapon na battle for third match ng liga na suportado rin ng ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang mga broadcast partner.
Ang Petron ay magmumula sa 10 diretsong pagwawagi sa preliminaries bago nilampaso ang Sta. Lucia Lady Realtors sa quarterfinals at Cignal HD Spikers sa semifinals para mangailangan na lamang ng dalawang sunod na panalo para tuluyang walisin ang kumperensiya.
Sasandalan ni Blaze Spikers head coach Shaq Delos Santos sina Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina at Mika Reyes na makakatuwang sina Bernadeth Pons, Sisi Rondina, Remy Palma at Angelica Legacion para makauna sa kanilang serye.
Aasahan naman ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus sina Cha Cruz, Ara Galang, Kim Fajardo, Majoy Baron Kianna Dy, Michelle Morente at Dawn Macandili para mapigilan ang ratsada ng Petron.
Petron, F2 Logistics sisimulan ang PSL All-Filipino Conference Finals showdown
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...