Richard, Raymond nag-away dahil sa babae, 1 taon hindi nag-usap

RAYMOND AT RICHARD GUTIERREZ

NAMUTLA at ninerbyos si Richard Gutierrez nang mag-guest last Wednesday sa wekly morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

May ibinuking kasi ang kapatid niyang si Ruffa Gutierrez tungkol sa naging away nila noon ng kanyang kakambal na si Raymond. Sa pamamagitan ng phone patch interview, ikinuwento ni Ruffa na halos isang taon hindi nag-usap ang mag-utol dahil sa ex-girlfriend ni Richard na best friend naman ni Raymond.

“Wala ako doon. Pero nabalitaan ko si Mond (Raymond) and Chard (Richard) hindi nag-usap ng isang taon. Huwag na nating banggitin ang name dahil may kanya-kanya na silang buhay ngayon.

“Pero si Mond kumampi sa babae niyang best friend dahil iniwan ni Chard. Tapos si Chard nagkaroon ng Brazilian na girlfriend. Kaya biglang nag away-away,” pambubuko ni Ruffa.

Inawat na ng mga host ng Magandang Buhay ang TV host-actress dahil baka kung ano pa ang masabi nito tungkol sa mga kapatid.

“Medyo namutla yata si Chard, no mentions of names pero syempre bati-bati na silang lahat ngayon,” tawa nang tawang sey pa ni Ruffa.

Hirit naman ni Richard sa nakatatandang kapatid, “Hi ate, kamuntikan ng maging showbiz talk show itong Magandang Buhay.”

Ipinagmamalaki naman ng dating beauty queen na super generous sa pamilya at mga kaibigan si Richard, “Ang maganda kay Chard kasi, very generous siya. Hindi lang sa amin pati sa mga pinsan niya, sa lahat ng tao. Kapag meron siya, he’s very generous. Wala kaming problema when it comes to that.”

Muling mapapanood si Richard sa big screen ngayong Pasko sa 2018 MMFF entry ni Vice Ganda na “Fantastica” kung saan makakasama rin sina Dingdong Dantes, Bela Padilla, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Read more...