Tony, Angel lumelebel sa KathNiel, JaDine at LizQuen

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

Ang lakas ng recall ng digital movie na “Glorious”, at talagang ang laki ng nagawa nito sa career ni Tony Labrusca. Maski saan siya ngayon magpunta ay dinudumog siya to the max.

Bagama’t sikat na rin naman si Tony, mas dumami pa ang fans niya dahil sa “Glorious” nila ni Angel Aquino. Saksi kami sa hiyawan at sigawang walang humpay sa nakaraang “Family Is Love” 2018 ABS-CBN Christmas Concert na ginanap sa Araneta Coliseum at mapapanood sa Dis. 15 at 16.

Nahatak din ni Tony si Angel na feeling bagets na rin at lumebel na ang loveteam nila sa KathNiel, LizQuen, MayWard, DonKiss at JaDine dahil talagang hindi tumigil ang sigawan ng audience habang nasa stage sila.

Aliw kami sa mga post sa social media tungkol kina Angel at Lito Lapid dahil sila ang itinutukso sa FPJ’s Ang Probinsyano gamit ang hashtag na “notorious”, at “glorious” naman kapag si Tony ang kasama ng aktres.

Anyway, nakatsikahan namin ang manager ni Tony na si Mario Colmenares at tinanong namin ang tungkol sa pagkakasuntok sa kanya ng security guard sa isang mall sa Batangas pagkatapos mag-show ng aktor. “Wala ‘yun, hindi na dapat pinalalaki. Wala namang nangyaring masama kay Tony, walang dugo. Hindi sinadya ‘yun, marami kasing tao,” kuwento ni Mario.

Tinanong namin kung dinala ba si Tony sa clinic, “Wala namang nangyari, after nga ng Batangas show, nag-show ulit sa Cavite tapos direstso taping,” paliwanag ng manager ng aktor.

Read more...