Maymay umamin: Pag heartbroken, matagal po akong maka-move on…

MAYMAY ENTRATA

Ipinaliwanag ni Maymay Entrata sa madlang pipol kung bakit matagal siyang magpaligaw sa guesting nila ng ka-loveteam na si Edward Barber sa Magandang Buhay.

Sabi ng dalaga, “Dati kasi pinagbabawalan kami kahit crush lang, kasi focus sa school. Pero siyempre kasi pag crush mo mag-text (kinikilig). Pero kapag manliligaw na, hinding-hindi ako sasagot kapag hindi pupunta sa bahay.”

Sinang-ayunan naman ito ni Edward, “Sinabi ni May sa akin dati na dapat approved yung lalaki sa pamilya niya. Kung hindi approved, wala talaga.”

Sumeryoso naman si Maymay nang banggitin ang ginawa niyang pagmu-move on para makalimutan ang kanyang ex.

“Yung totoo talaga, kapag heartbroken ako, matagal talaga akong nakaka-move on. Minsan kasi inaako ko lang. Kasi may past relationship po kasi ako. Tapos, alam mo yung kahit saan ka tumitingin o kahit kumakain ka lang, lagi mo siyang iniisip. Tapos hindi ka makakain.

“Umaabot ng isang taon, bago magsi-sink in sa akin na hindi talaga kami para sa isa’t isa,” pag-aniya pa.

Read more...