Desiderio gumanda ang tsansa sa PBA draft matapos makalaro sa UAAP Finals

HINDI pa matatapos ang ‘party’ na inihanda ni Paul Desiderio.
Ang team captain ng University of the Philippines Fighting Maroons na hinatid ang kanyang koponan sa UAAP men’s basketball finals matapos ang 32 taon ay natikman ang kanyang opisyal na aksyon sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos sumabak sa unang araw ng 2018 PBA Draft Combine sa Gatorade Hoops Center, Mandaluyong City.
Nakangiti namang sinabi ni Desiderio, na napanatili ang kanyang ‘happy-go-lucky attitude’ sa labas ng hardcourt, na natutuwa pa rin siya hanggang ngayon matapos makapasok ang Fighting Maroons sa UAAP Season 81 men’s basketball finals.
“I think I haven’t rested one bit,” sabi ni Desiderio. “This is the moment I’ve been waiting for, I have no choice but to do this so I can achieve my dream of playing in the PBA.”
Nabigo naman si Desiderio at ang Fighting Maroons matapos walisin sa loob ng dalawang laro sa championship round ng Ateneo de Manila University Blue Eagles na nadagit ang ikalawang sunod na titulo at kabuuang ika-10 titulo sa UAAP.
Bagamat nakatikim ng kabiguan sa natatanging finals ng kanyang collegiate career, sinabi ni Desiderio na hindi niya aabutin ito kung hindi sa inspiradong pagratsada ng UP sa Season 81.
Tinapos ng UP ang elimination round bilang third seed sa hawak na 8-6 record at lumaban ng husto para sumalang sa kanilang unang championship series magmula noong mapagwagian ang titulo noong 1986.
Sinabi ni Desiderio na nakakaramdam siya ng ‘pressure’ matapos pangunahan ang Fighting Maroons sa finals bilang lider ng kanyang koponan bagamat napaganda rin nito ang kanyang tsansa para maging isang first rounder.
“Of course there’s some pressure because I was fresh off the UAAP finals,” sabi ni Desiderio, na kasama ang kanyang kakampi sa UP na si Diego Dario, ay ang natatanging dalawang aplikante mula sa 47 kalahok sa PBA Draft na nagtapos mula sa kolehiyo. “The UP community expects much out of us, but I’m just euphoric I’m in this level.”
“The finals were really a big help to my stock because if we weren’t in the finals I wouldn’t be even known at this kind of level,” dagdag pa ni Desiderio.

Read more...