‘Aurora’ ni Anne luging-lugi sa promo ng ‘Fantastica’ ni Vice sa It’s Showtime


TANGGAP at aminado si Anne Curtis na parang “icing on the cake” lang siya pagdating sa lakas ni Vice Ganda sa araw-araw nilang pagpo-promote ng kanilang respective entries sa It’s Showtime.

Tanggap ni Anne na talo siya at lugi kay Vice na nagagawang banggitin at gamitin sa halos lahat ng portion ng show ang “Fantastica” kumpara sa pelikula niyang “Aurora”.

Minsan pa nga ay nagagawa pang laitin at kantiyawan ng Unkabogable Star ang klase ng “horror” ng “Aurora” dahil ayon kay Vice parang bitin daw ang matakot ka ng hindi sumisigaw gaya ng promo angle ni Anne sa kanyang movie.

Pero naniniwala si Anne na kayang tumayo ng movie niya kahit malalakas ang kanyang makakalaban. At keri lang na makopo ni Vice ang lahat ng audience kaya’t kahit “half” lang daw ng crowd ng daily show nila ang makapanood ng “Aurora” ay happy na siya.

“Sure na sure naman akong hindi sila lugi sa movie ko,” sey pa ng aktres-TV host.

At para wala na lang daw isyu among their co-hosts, nangako na lang ang mga ito na magbibigay sila ng personal nilang suporta sa mga entries nina Anne at Vice.

Read more...