Maine pinagbawalan ding banggitin si Coco sa promo ng 'Jack Em Popoy'; fans umalma | Bandera

Maine pinagbawalan ding banggitin si Coco sa promo ng ‘Jack Em Popoy’; fans umalma

Alex Brosas |December 13,2018
facebook
share this

Maine pinagbawalan ding banggitin si Coco sa promo ng ‘Jack Em Popoy’; fans umalma

Alex Brosas - December 13, 2018 - 12:25 AM


FANS of Maine Something abhor GMA 7 very much.

They felt that they’re using Maine as scapegoat sa hindi nito pagbanggit ng pangalan ni Coco Martin sa promo ng movie nilang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

In a recent promo kasi, it was obvious that Maine wanted to mention the name of Coco but she was obviously stopped to do it.

Apparently, hindi pa nakaka-move on ang GMA executives sa pagkatalo nila sa FPJ’s Ang Probinsyano na 14 Kapuso shows na yata ang pinatumba. Ganyan pa rin sila ka-bitter kay Coco.

Ang problema kasi sa GMA, hindi sila makagawa ng hit teleserye kaya naman ganoon na lang ang inggit nila sa Probinsyano na three years na sa ere. Bakit sa halip na inggit ay gawin nila itong inspiration to do better soaps, right? Hindi ‘yung masyado kayong apektado sa inyong pagkatalo.

Ayan, left and right na lait tuloy ang inabot ninyo mula sa fans ni Maine. Kasi naman, obvious na obvious ang inyong galawan against Coco.

“Hindi cguro pinayagan ng GMA na banggitin si Coco. Tingnan mo pati mall tour limitado lang. Hindi pinapasama si Maine. Sa SM Dasmarinas ang daming naghahanap kay Maine.”

“True. Tapos sa article ni Lolit Solis si Maine daw ang nakalimot. Grabe kawawa na naman si Maine. Ginawa na namang scapegoat. GMA ang ayaw ipabanggit ang name ni Coco sa lahat ng promo sa mga shows ng network. Sobrang insecure.”

“Salamat sa pang unawa. Sigurado kami hindi si @mainedcm ang may gusto na hindi mabanggit si CCM. Pasensya na.”

“Mukhang gusto nyang banggitin pero obvious sa paglingon nya sa gilid, may pumigil. Di rin namin maintindihan kasi di naman sya contract star ng GMA.”

“Kasangga tayo dyan sa di pagbanggit sa name ni Coco sa GMA. Kailan naman naging tama ang mali di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending