Talent Manager iniyakan ang ‘kaso’ ng Clique 5: Pero natuto na ‘ko


TUMIBAY na ang dibdib ng Lady Boss ng 3:16 Events and Talent Management na si Ma’am Len Carillo matapos ang maiksing taon ng pagmama-manage ng all-male dance group na Clique 5 at female group na Belladonnas.

Pag-amin niya, “Iniyakan ko rin. Para ring negosyo na nagsisimula pero ngayon eh, natututo na ako!”

Kahit nabawasan ng isang member ang Clique 5, ang unang artisti na hinawakan, tuloy pa rin ang projects ng grupo. Present nga ang members ng male group sa Christmas party ng kumpanya ni Ma’am Len kung saan sa pakontes na Bebot 2019, aba, nagbihis-babae ang members ng grupo, huh!

Next year, ang pinakamalaking project ng company niya ay ang pagpo-produce ng movie.

Tapos na ang script nito mula sa writer-director na si Caro Obispo at bibida rito ang ilang Kapamilya stars na ang konsepto ay ang hit foreign dance musical movie na “Step Up.”

Read more...