Alden wala na raw paki sa taong nakadiskubre sa kanya


PINANINDIGAN ni Alden Something ang kawalan ng utang na loob.

He celebrated his eighth anniversary sa showbiz but he conveniently forgot to acknowledge the big help accorded to him by Dudu Unay.

Dudu, the discoverer of Liza Soberano bago pa ito napunta kay Ogie Diaz, was the one who told Alden’s manager-manager-an Lites na mayroong audition para sa leading man role sa Alakdana. Agad na sinamahan ni Dudu si Alden sa audition and that jumpstarted his career.

Before Alakdana, wala namang career noon si Alden. Pasali-sali lang siya sa mga bikini contests sa Laguna. Nag-top 40 lang siya sa StarStruck and for a time ay nagging member lang siya ng isang male group called Male Box being managed by Boy Abunda.

Hindi na kami nagtaka na hindi man lang in-acknowledge ni Alden si Dudu. Sikat na kasi siya at ganoon naman palagi ang scenario. Nakakalimutan na ng celebrity ang mga taong tumulong sa kanila.

Ang bait ni Dudu, hindi siya mariringgan ng anuman sa pambabalewala ni Alden sa kanya.

Actually, Alden owes his career kay Dudu, ‘no? Kung wala si Dudu, malalaman ba ni Alden ang Alakdana audition? Si Dudu pa nga ang nagdala ng script niya sa Laguna, ‘no?

We’re writing this para malaman ng nakapaligid kay Alden ang ginawa nila kay Dudu. We’re also reliving the history sa career ni Alden. Ano ba naman ‘yung i-mention mo ang name ni Dudu sa pa-interview mo about your eighth year in showbiz.

For us, Alden is one big INGRATE!!!

Read more...