(photos taken from the Facebook page of Robin Padilla)
IKINASAL na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla kanina sa ginanap na isang intimate wedding ceremony.
Mismong ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla ang nag-post ng video sa kanyang Facebook account kung saan mapapanood ang palitan ng “I dos” ng bagong kasal.
Base sa mga litrato at video na ipinost ni Binoe, pati ng iba pang um-attend sa kasalan, nakasuot ng off shoulder wedding gown si Kylie habang naka-brown suit naman si Aljur with violet vest.
Ilang litrato rin ang ipinost ng makeup artist ni Kylie na si Dave Quiambao na kuha habang naghahanda ang bride sa kanyang kasal.
Bumaha rin ng pagbati sa social media para sa bagong kasal.