National Costume ni Catriona Gray sa Miss U pumalpak


MULI na namang nag-ingay ang bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray nang rumampa siya suot ang National Costume sa ginanap na pre-pageant competition sa Nong Nooch International Convention Center sa Pattaya, Thailand.

Agaw-eksena ang suot niyang Tiboli inspired outfit at isang malaking parol sa likod na may painting ng history ng Pilipinas, kung saan ibinandera ng dalaga ang ilang mahahalagang simbolo ng bansa.

Ilan sa mga tumulong kay Catriona para gawin ang kanyang National Costume ay ang mga kaibigang Jearson Demavivas, Carlos Buendia at Jojo Bragais.

Gaganapin ang grand coronation night sa Dec. 17, sa Bangkok, Thailand.

Pero kung marami ang pumuri sa National Costume ni Catriona, may mga nam-bash din sa kanya at nagsabing baka ito pa raw ang ikatalo ng ating pambato dahil parang hirap na hirap siyang rumampa habang suot ito.

May mga nagtanong din kung nagkaroon ba ng problema sa kanyang NatCos. Sa kanyang Instagram Live kahapon, sinabi ng dalaga na dapat ay iilaw ang kanyanmg suot pero nagka-technical mishap. Aniya, “My parol was meant to light up. But for some reason, I don’t know why. Before the show, I was trying to turn it on and did not turn on.

“So I tried to turn it on again and it did turn on, and it turned on twice in a row, so then I left it…And then, just before I went onstage, I tried to turn it on again and it wasn’t working.”

Dagdag pa niya, “So I’m not sure if the wires got moved during the transport here to Thailand. But it just so happened that on the day itself, and on the time that I walked out on stage, the ilaw po or the lights, they weren’t working.”

Read more...