Carla matinding manampal; Katrina, Sophie nasampolan

Carla Abellana

PINATIKIM  ni Carla Abellana si Katrina Halili ng mabigat niyang kamay nang sampalin at sabunutan niya ang huli sa bangayan nila sa Kapuso series na Pamilya Roces.

Malaking babae si Carla kumpara kay Kat kaya may chance na mawindang siya sa sampal at sabunot sa kanya ng una.

Bago si Katrina, si Sophie Albert ang sinampolan ni Carla at talaga namang ininda ni Sophie ang bagsik ng kamao ng girlfriend ni Tom Rodriguez.

Of course, nakakapanibago ang role ni Carla sa Pamilya Roces kumpara sa mga ginawa niyang Kapuso series na sweet at api-apihan ang character, huh!

Welcome change ang role niya bilang anak ng mayamang negosyante na simple kung magmaldita pero epektibo ang dating.

As we always say, dapat talagang tumanggap pa ng mga roles si Carla na out of the box para mas maipakita pa niya ang versatility bilang artista.

Read more...