Marian personal na nagbalot ng regalo para ipamigay sa mga bata ng Smile Train

MARIAN RIVERA

PERSONAL pang binalot ni Marian Rivera ang mga regalo niya para sa mga batang tinulungang maibalik ang mga ngiti dahil sa walang tigil na pagtulong niya sa Smile Train PH.

Ipinamigay ni Yan ang kanyang Christmas gift sa Christmas party na ginanap nitong nakaraang araw sa isang hotel sa Timog, Quezon City.

Sa isang picture na kanyang inilabas sa Instagram, sinamahan pa niya ito ng makabuluhang mensahe.

“There are many ways to spread the love I get from everyone in my life. At the end of the day, it’s not about what we have or accomplished but it’s about what we’ve given back.

“This year has nothing but good to me, and this season, it’s time to share our blessings through Marian’s closet @smiletrainph @closetbymarian #YANangsmile.”

This year, pumasok ang ilang bagong endorsements at renewal ng contracts sa dating endorsements ni Yan. Humakot din siya ng iba’t ibang awards dahil sa pagiging huwaran na artista, ina at maybahay.

Next year, ang biggest award of all awards na matatanggap niya ay ang pagkakaroon nila ni Dingdong Dantes ng baby boy, huh!

Read more...