RAYVER CRUZ wala nang paki kay CRISTINE REYES

Nagtataka si Rayver Cruz kung bakit pilit siyang inuugnay sa dating kandidata ng Binibining Pilipinas na si Imee Heart gayung isang beses lang daw naman niya itong nakasama at grupo pa sila.

Ito ang pahayag sa amin ng kaibigan ng aktor, nahihiya nga raw siya sa dalaga dahil baka isipin ay sa kanya nagmumula ang mga balita tungkol sa kanila.

“Kaibigan si Imee ng girlfriend ng kuya ni Rayver na si Dianne (Medina) kaya nagkakilala, pero as of now, wala naman sila at hindi naman nasundan na ang paglabas-labas nila,” paglilinaw sa amin ng kaibigan ng aktor.

Pero sinabi nito na hindi imposibleng mahulog ang loob ni Rayver kay Imee, “E, kasi tisay din, alam mo naman si Rayver, mahilig sa mapuputi.”

Pero kinontra namin ito dahil hindi naman tisay si Sarah Geronimo, “E, naiiba ‘yun,” kaswal na sabi sa amin. Samantala, mukhang dedma naman na raw si Rayver sa sinasabing bagong boyfriend ngayon ng ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes na balitang may dalawang anak na sa dating ka-live in nito.

“Wala, hindi naman nag-comment, parang naka-move on na at hindi na nga napapag-usapan si AA (palayaw ni Cristine),” sabi pa sa amin.

Read more...