CLAUDINE hindi na natahimik ang buhay, laging bida sa iskandalo


MALAKING puzzle na naman ang nilikha ng lumabas na bagong isyu between estranged couple Claudine Barretto and Raymart Santiago. Finally ay umamin na si Claudine na hiwalay na sila ni Raymart – that he still visits the kids once in a while sa kanilang bahay pero yung pampersonal nila ay hindi na nila iniintindi.

Raymart never spoke on any of the issues tungkol kanila ni Claudine pero merong sinabi si Claudine tungkol sa isang video na hawak diumano ni Raymart – video raw nina Claudine at ng kanilang mga anak – at mukhang very sensitive ang nilalaman ng video na ayaw pang sabihin ni Claudine kung ano pero according to her, pag lumabas daw ito tiyak galing ‘yun sa kampo ni Raymart.

Ano ba talaga ang nilalaman ng video na iyon? How scandalous is it? Ang nakarating sa aming balita ay hawak daw ni Raymart ang maselang video na diumano’y siyang gagamitin nitong panlaban sa estranged wife sakaling umabot sila sa hindi kagandahang sitwasyon.

What is it ba talaga? Ayan na naman kayo, ginugulo n’yo na naman ang utak ng mga tao – binigyan niya na naman ng oportunidad ang taumbayan na mag-speculate ng mga hindi kagandahan. Hay naku…

“Baka sinasaktan ni Claudine ang mga bata, di kaya? Baka pinagmumura niya, di kaya? Hangga’t hindi nila sinasabi ang nilalaman ng video scandal na iyon, hindi nila masisisi ang mga taong mag-isip ng masama, wala silang puwedeng sisihin dito kundi sila rin,” sabi ng isang nakausap namin about the issue.

“Kasi naman, binuksan-buksan pa nila ang kuwento tungkol sa nakatagong video na ito, sabihin na kasi nila para hindi na mag-isip ng kung anu-ano ang mga tao. Sana hindi na lang sinabi ni Claudine ang tungkol doon kung bibitinin lang tayo.

Lumalabas kasi na merong ginawa si Claudine sa video na iyon na hindi kanais-nais, na parang ito ang hawak na alas ni Raymart laban sa kanya. Ano kaya iyon, kafatid?” tanong sa amin ng isang barkadang walang kasing-kulit.

Hindi na nawalan ng problema si Claudine sa buhay. Mula sa kanyang sarili, sa mga kamag-anak niya, sa asawa niya – ano ba ang nangyayaring ito kay Claudine?

Why has she been into so much mess sa buhay niya? Is this her destiny? Kawawang babae, di ba? Sikat nga siya pero parang hindi na natahimik ang buhay. Is this a choice? Just asking po.

Read more...