Junjun Binay hindi naghain ng plea nang basahan ng sakdal
HINDI naghain ng plea si dating Makati City Mayor Junjun Binay nang basahan ng sakdal kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Hall parking building.
Kaya ang Sandiganbayan Third Division ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.
Nabasahan ng sakdal si Binay noong Biyernes, dalawang taon matapos na isampa ng Ombudsman ang kaso.
Ang mabagal na pag-usad ay bunsod ng mga mosyon na inihain ni Binay para kuwestyunin ang kasong falsification of public documents, graft, at malversation of public funds.
Itinakda ng korte ang pagsisimula ng pre-trial sa Enero 18.
Ang kaso ay kaugnay ng pagsasabwatan umano ng mga opisyal ng Makati City kaugnay ng pagpapagawa ng Phase IV ng city hall mula 2011 hanggang 2013.
Hindi umano totoo na naglathala ng invitation to bid sa Balita at Metro Profile. Hindi rin umano totoo na nagkaroon ng public bidding.
Nagkakahalaga ng P2.28 bilyon ang proyekto na napunta sa Hilmarc’s Construction Corporation at ang kontrata sa plano na nagkakahalaga ng P11 milyon ay nakuha ng MANA Architecture and Interior Design Co.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.