Trillanes nagpiyansa na sa Pasay RTC

NAGPIYANSA na ng P96,000 si Sen. Antonio Trillanes IV  sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng mga kasong libel na inihain laban sa kanya ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Matatandang naglabas si Davao City RTC Branch 54 Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng apat na warrant of arrest laban kay Trillanes noong Disyembre 7.

Itinakda ng judge sa P24,000 ang piyansa para sa kada isang count ng libel o kabuuang P96,000 kapalit ng pansamantang kalayaan ni Trillanes. 

Kinondena ni Trillanes ang warrant of arrest na aniya’y isang pagtatangka para patahimikin ang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Read more...