Lalaki arestado matapos magnakaw ng luncheon meat

ARESTADO ang isang 21-anyos na lalaki matapos umanong magnakaw ng isang lata ng luncheon meat mula sa isang convenience store sa Mandaluyong City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Junard Dula, matapos umanong kunin P199 mula sa naka-display ng tindahan, itinago sa pantalon at umalis ng hindi nagbabayad sa cashier Linggo ng gabi. 

Nakita si Dula ng isang empleyado ng tindahan sa monitor ng CCTV at humingi ng tulong sa security guard at hinuli ang suspek, ayon sa ulat kahapon.

Natagpuan umano kay Dula ang ninakaw na luncheon meat. 

Read more...