MATAPOS mapawalang sala si ex-Sen. Bong Revilla ng Sandiganbayan First Division sa botong 3-2, maraming kwest-yon ang maingay nga-yon. Tatlong associate justices ang bumoto para sa acquittal, at dalawa para sa conviction, pero hanggang ngayon, hindi pa naisa-sapubliko ang “full transcript” ng kanilang mga desisyon.
Unang-una, sinolo ba talaga ni Atty Richard Cambe, chief of staff ni Revilla, ang P224-M na komisyon mula kay Janet Lim Napoles?
Ikalawa, kapani-paniwala bang hindi alam ng senador na gumagawa ng milyun-milyong pera ang kanyang chief of staff na alter ego o katiwala niya sa kanyang opisina?
Ikatlo, si Atty. Cambe ba at hindi si Sen. Revilla ang sinusuhulan at binibigyan ng pera ni Janet Lim Napoles ?
Ikaapat, posible bang maglabas ng maraming “pork barrel funds” si Sen. Revilla para sa mga “bogus foundations” ni Napoles nang walang kapalit na kumisyon o porsyento?
Ikalima, bakit sa report ng AMLC may pagka-pareho ang mga halaga ng mga tseke mula kina Benhur Luy at Napoles na pumasok sa bank account ni Revilla? Hindi ba’t indikasyon ito na napunta sa senador.
Ikaanim, bakit halos iskandaloso ang paglaki ng SALN ng senador noong mga taong iyun?
Ikapito, bakit nag-focus ang tatlong mahistrado sa pinekeng pirma at sa pagbaliktad ng whistleblower ga-yong “overwhelming” ang ibang ebidensya tulåd ng “paper trail” ng pera tulad ng sinabi ng isang “dissenting” Associate justice?
Ikawalo, kung acquitted si Revilla sa desisyon, bakit kasama siya sa pinagbabayad ng P124-M bilang danyos sa gobyerno? Ibig bang sabihin,guilty siya civilly pero hindi lamang napatunayan “beyond reasonable doubt”.
Ikasiyam, hindi kaya nagsakripisyo na lang si Atty. Cambe para makalibre ang kanyang boss?
At ika-10, mabuti bang ehemplo sa mga susunod na henerasyon na kapag pineke ang pirma ay libre na sa kasalanan kahit mara-ming ebidensya? Ibig bang sabihin, libre na rin sa mga kaso ang mga pulitikong nagsabing pineke ni Benhur Luy ang kanilang pirma?
Sa totoo lang, sa acquittal ni Revilla, may malaking pananagutan ang mga prosecutors ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales gayundin ang mga prosecutors ni da-ting Justice secretary at ngayo’y Sen. Leila de Lima. Sila ang bumuo ng kaso, naghanap ng ebidensya, kumalap ng mga testigo upang matiyak na convicted si Revilla at chief of staff nito. Pero, walang nangyari.
Ngayon, nakalaya at nakapag-pyansa sina dating senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile. Nakakulong naman ang chief of staff ni Enrile na si Atty. Gigi Reyes samantalang at large pa rin ang deputy chief of staff ni Jinggoy na si Pauline Therese Mary Labayen.
Naiisip ko tuloy, hindi kaya gumaya na rin si Atty. Reyes kay Atty. Cambe?
Sa totoo lang, P10 bilyong ng taxpayers money ang nakulimbat sa PDAF at pekeng NGO at foundations. Limang taon na ang nakalipas pero ngayon lang nasentensyahan si PDAF Queen Janet Lim Napoles. Marami pang mga pulitiko ngayon ang dapat ay nasa kulungan din pero hindi man lang nakasuhan o nabulgar ang mga pa-ngalan.
Makakarma rin kayo!
10 tanong sa acquittal ni ex-Sen Bong Revilla
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...