MARAMING nag-like at kinilig sa pakikipagpalitan ng mensahe ni Paolo Ballesteros sa kanyang rumored boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion sa Instagram.
Wala nang hiya-hiya ang TV host-actor sa pagbabandera ng kanyang pagmamahal sa kanyang dyowa.
Nag-post si Kenneth ng isang photo sa IG kung saan makikitang nakadama siya sa kama hawak ag isang bungkos ng bulaklak. Nilagyan niya ito ng caption na, “Thank you for the surprise!
“You truly know how to cheer me up on a very exhausting day. I really appreciate your sweetness siopao!”
Isang “heart” emoticon ang sagot ni Paolo na may kasunod na linyang, “u siopao” (love you siopao).
Hindi na itinatago ni Paolo ang relasyon nila ni Kenneth dahil sunud-sunod na ang pagpo-post niya sa social media ng mga litrato nila habang nagba-bonding together. Kitang-kita sa aura ng komedyante na super in love talaga siya ngayon sa bago niyang boyfriend.