Hugot ni Barbie Imperial sa lovelife: Kapag di na healthy, wag na sis…


MUKHANG may bahid nga ng katotohanan ang balitang nagkanya-kanya na ng landas ang dating napapabalitang magdyowa na sina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Sa pakikipagpalitan kasi ng mensahe ng Kapamilya actress sa kanyang mga followers sa social media ay nasabi ni Barbie kung ano ang estado ngayon ng kanyang puso.

Habang naghihintay ng kanyang flight ang dalaga pabalik na Manila mula sa Davao, sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang fans, kabilang na nga riyan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Unang sinagot ni Barbie ang tanong kung close na sila uli ngayon ng kanyang ex-boyfriend na si Hashtag Ryle Santiago, aniya, “in good terms” na siya sa lahat ng kanyang mga ex dyowa. Aniya, “Friends na kami. Actually, friends ko na ‘yung mga exes ko.”

May isang netizen naman ang humingi rin ng payo sa dalaga, tanong nito kung dapat pa bang ipaglaban ang isang taong mahal mo na sinagot niya ng makahulugang, “Depende. ‘Pag di na healthy, wag na sis.”

May follower naman siya na nagsabing dapat ay matuto na siyang alagaan ang kanyang puso, na sinagot niya ng, “Yup. I know.”

Tinanong din siya ng isang fan kung okay na ba ang kundisyon ng kanyang puso, mabilis na sagot ni Barbie, “Super,” with match heart-eyed emoji.

Bukod kina Ryle at JM, naging boyfriend din ni Barbie si Paul Salas. Kung matatandaan, napabalitang nagkaroon ng marinding away sina JM at Barbie na humantong nga diumano sa paghihiwalay.

Read more...