Maine pinagalitan ang mga bully; Alden nag-like

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MULING nanindigan si Maine Mendoza sa paglaban kontra lumalalang problema ng cyberbullying sa bansa.

Nitong weekend, nag-tweet ang Dubsmash Queen na may kinalaman sa pambu-bully ngunit hindi niya tinukoy kung sino ang pinatatamaan niya sa kanyang mensahe. Aniya, tigilan na ang pambabastos at panlalait ng kapwa dahil wala naman itong naidudulot na maganda.

Isang gif attachment ang ipinost ng dalaga sa kanyang Twitter account na nagsasabing, “bullies aren’t cool” na may caption na: “Stop it. it’s pointless, really.”

Ang paniwala ng ilang followers ni Maine, patama ito sa mga netizens na patuloy na namba-bash sa mga mahal niya sa buhay, kabilang na ang rumored suitor niyang si Arjo Atayde. Mas lalo kasing dumami ang bashers ng award-winning actor nang aminin ni Maine na nasa “getting to know each other” stage na sila ngayon ng anak ni Sylvia Sanchez.

Natuwa naman ang fans ni Maine nang mag-like sa kanyang tweet ang dati niyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Read more...