BONGGA ang birthday gift ni Kris Aquino sa yaya ng kanyang anak na si Bincai.
Nagdrama muna si Kris. Pinabili muna niya ng sandamakmak na pagkain si Bincai para sa mga classmates ng anak niya. ‘Yun pala, hinahanda na niya ang surprise treat niya kay Yaya Bincai.
Pagdating ni Yaya Bincai ay na-surprise siya ng may birthday cake at balloons na. Si Bimby naman, hawak ang box containing a Tiffany heart necklace.
As reported by a website, “According to Tiffany‘s website, it is worth $2,400 or more than P100,000.”
Ang daming pumuri sa ginawang iyon ni Kris. Sino ba namang amo ngayon ang magbibigay ng ganoon kamahal na birthday gift.
“Wow so generous of kris! Suggestion: Pls give investment account which will grow with the power of compounding interest and be useful upon retirement thanks.”
“Marunong talaga si Ms Kris mag appreciate sa kabutihan ni Bincai para sa mga anak nya.”
“Good example para gayahin ng iba kasi minsan nasa tabi lang natin ang totong tao nagmamalasakit. Hindi natin napapansin kaya don’t think negative, think in a po-sitive way that’s love love love.”
May mga aria naman ang bashers. They were questioning Kris’ motives when she uploaded the video sa kanyang Instagram account. Masyado raw itong pasikat. Pero binasag naman sila ng fans ni Kris.
“Kung yung iba nga, tayo nagpopost ng pagmumukha natin at mga pagkaing gus2 natin o lugar na napupuntahan ibig sabihin pagyayabang lang din yun? Kris Aquino is Kris Aquino. Alam na ng lahat kung ano ang meron sya at kayang ibigay sa tao niya! Ang moral ng story, she knows how to share?!” said one fan.
“Wag ng magnega di naman kau affected, dapat nga thankful pa kc khit yaya lang yan, she gives importance to the person. Whether it be privately given or na broadcast be happy with the recipient ng necklace. Wag masyado bitter. Pati pagiging generous porket broadcast galit agad kau,” wailed another fan.