COLORS are seen, not read.
Hindi na kailangang ipagladlaran pa ni Enchong Dee ang kanyang political color, his social media posts provide the clue as to which who he’s more partial to, as if namang mahirap ‘yun mahulaan gayong dadalawa lang naman ‘yon.
But regardless kung anong kulay ang mas bet ni Enchong, we admire how he stands up for it kesehodang ma-bash pa siya.
After taking a swipe at then-PCOO ASec Mocha Uson on the location of Mt. Mayon, ang latest post ni Enchong ay may kinalaman sa kanyang nadaanan sa bandang Quezon Province. Walang binanggit si Enchong kung kaninong mukha ang nasa campaign tarps habang patungo siya sa Bicol, his roots.
Idinaan niya sa blind item kung kaninong tarps ang mga ‘yon: sa isang nakakulong daw na senador na kumakandidato sa darating na eleksiyon.
Kawalan na ng common sense ang sinumang hindi makakahula kung sinong mambabatas ‘yon. The clue itself ay kulang na lang pangalanan.
Obviously, ang tinutukoy niya ang walang iba kundi si dating Sen. Bong Revilla who was represented by his wife Bacoor Mayor Lani Mercado during the October COC filing.
Sa pagkakaalam ng marami ukol sa Comelec guidelines, the campaign period will officially kick off February until May next year. Pero hindi lang tila advanced mag-isip ang campaign supporters ni Bong, advanced din sila sa kanilang mga campaign steps without due respect for what the Election Code strictly upholds.
Mainam na mismong ang mga tauhan ng Comelec office sa bayan na ‘yon ng Quezon Province—where Enchong caught sight of such premature campaign materials—ang umikot at sumuyod kung saan-saang kanto naroon ang mga ‘yon.
Ano nga ba ang pananagutan meron ang mismong kandidato whose imposing face taken from its handsomest angle ay nakabalandra sa tarp? Imposible kasing hindi alam ni Bong mismo ang mga ipinatutupad na alituntunin kaugnay ng maagang pangangampanya, after all, he’s no political greenhorn (dynasty na nga ‘yung binuo nila, ‘di ba?).
For sure, walang basbas ‘yon mula kay Bong who we believe is more aware of the country’s election laws.
Update: lumaya na nga si Bong mula sa pagkakakulong sa PNP Custodial Center makaraan ang mahigit apat na taon kaugnay ng kanyang umano’y involvement in the pork barrel scam.
Ang pangit naman yatang timing na sa paglabas ni Bong sa kanyang detention cell ay sasalubungin siya ng gross violation o paglabag sa itinakdang batas ng Comelec.
After naakusahang “kumolek” comes this brush with the Comelec.