JC: Grabe! Iba ang feeling pag tatay ka na!


IBA naman talaga ang nagagawa ng fatherhood. Kung dati ay very reserved itong si JC de Vera at hindi nagbibigay ng detalye on his private life, iba na ngayong meron na siyang anak.

“I think I can now say that I have my one great love,” sey ng aktor during the mediacon ng “One Great Love” kung saan kasama niya sina Dennis Trillo at Kim Chiu.

Bilang proud father, hands on siya sa anak nila ni Rikkah Cruz na si Lana na habang lumalaki ay lalong napapalapit sa kanya at aminado siyang OA siya pagdating sa kapakanan nito.

“I guess that’s the magic of fatherhood or motherhood. Iba talaga. Unexplainable and no words can simply describe it. Kaya nga mas nakakadagdag inspiration sa work,” hirit ni JC.

Happy at kuntento naman daw si JC sa kanyang showbiz career at inaasahan nga niyang sa darating na 2019 ay magpapatuloy pa rin ang kanyang magandang career kahit pa aminado siyang dumarami pa ang mga leading man sa ABS-CBN.

Read more...