Aktres na biglang yumaman walang utang na loob, negosyanteng inutangan na-shock


DATI’Y parang namamalimos ng trabaho ang isang female personality. Wala kasing pumapansin sa kanya, TH na TH na nga ang kanyang dating, pero talagang mailap sa kanya ang kapalaran.

Marami siyang inabalang kaibigan dahil sa tindi ng kanyang pangangailangan, kahit nga ang mga taong kauumpisa pa lang niyang makilala ay inuutangan na niya, ganu’n ang pinagdaanang buhay ng babaeng personalidad.

Kuwento ng aming source, “Pero biglang sinikatan ng araw ang palaonjamey na niyang career! May nagtulay para biglang sumikad ang karera niyang papunta na talaga sa pagkalimot.

“Ngayon, e, maayos na ang buhay niya, hindi na niya kailangang mangutang, puwede na ngang siya ang magpautang ngayon dahil humahawak na siya nang milyunan!” unang chika ng aming impormante.

‘Yun nga lang. Sa pagkamal ng mga biyaya ngayon ng female personality ay nagkukuwentuhan ang mga taong inabala niya nu’ng walang-wala pa siya, bakit daw hindi man lang siya nakakaalala, anyare?

“May isa nga siyang palaging nilalapitan nu’n na nag-invite sa kanya sa isang fiesta. Kakanta lang naman siya, tapos, uwi na rin agad. Sumama ang loob nu’ng nang-imbita sa kanya dahil kinatalo pa niya sa presyo.

“May kiyeme pa ang female personality na kung sa namamahala ng career niya lalapit ang kumukuha sa kanya, e, napakataas na presyo ang ibibigay sa kanya.

“Pero kung direkta na sa kanya, mas mababa, dahil wala na siyang bibigyan ng komisyon. Nalungkot ang lumapit na businesswoman sa kanya, super-lungkot.

“Naalala niya kasi ‘yung mga panahon na kahit nasa meeting siya, e, dumarating ang female personality para manghiram ng datung sa kanya. Walang pinipiling lugar at panahon ang girl.

“Pero ngayong malaki na ang kinikita niya, hindi na nga niya binayaran ang pagkakautang niya sa negosyante, e, kinatalo pa niya sa presyuhan sa fiesta!

“Sabi na lang ng businesswoman, e, talagang may mga taong maigsi lang ang memorya, madaling makalimot, lalo na kapag nagkakaroon na. Pero di bale, sabi pa rin ng negosyante, hindi naman panghabambuhay ang suwerteng hawak niya ngayon.

“Damay lang naman siya sa suwerteng dumating sa isang kapamilya niya, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this!

Read more...