Anne buwis-buhay sa ‘Aurora’, pang-best actress sa 2018 MMFF
PROMISE ni Anne Curtis, isang “elevated horror” movie ang 2018 MMFF entry nilang “Aurora” under Viva Films and ALIUD Entertainment.
Ibig sabihin, ibang level ng takutan ang hatid ng mystery thriller-horror movie na ito sa direksyon ni Yam Laranas, na siya ring nagdirek ng “Sigaw” (2004) na naging Hollywood film din na “The Echo” (2008), “The Road” at “Abomination”.
Sa presscon ng “Aurora” kamakalawa ng gabi, ikinuwento ni Anne na mahigit 10 araw silang nag-shooting sa Batanes kung saan kinunan ang kabuuan ng pelikula, “Perfect ‘yung lugar sa kuwento ng ‘Aurora’. Napakaganda talaga ng Batanes, lahat yata ng lugar na pinuntahan namin doon, nakaka-in love talaga.”
Ang pelikula ay kuwento tungkol sa isang libong pasahero na namatay matapos lumubog ang barkong “Aurora” na kanilang sinasakyan. Ilang bangkay ang natagpuan sa baybayin ng maliit na isla malapit rito, ngunit marami pa ring katawan ang nawawala.
Ang mga pamilya ng mga nawawalang pasahero ay kailangan nang matutuluyan habang patuloy ang search and rescue operation ng coast guard. Ito ang sitwasyong hinaharap ni ni Lean (Anne), ang may-ari ng seaside inn sa isla kung saan kasama rin niya ang kapatid na Rita (Phoebe Villamor).
Pinakiusapan siya ng pamilya ng mga biktima na maghanap ng mga bangkay kapalit ang malaking halaga ng pera. Sa kabila ng nararamdamang takot, nanaig kay Leana ang awa kaya pumayag siya sa kahilingan ng mga pamilyang nawalan ng mga minamahal sa buhay, sa tulong na rin ng dati niyang boyfriend na si Ricky (Marco Gumabao) at ng bangkerong si Eddie (Alan Paule).
Buong tapang man nilang suungin ang malalaking alon at madilim na karagatan, kaya ba nilang harapin ang anumang naghihintay sa kanila sa ilalim ng dagat? Mapoprotektahan kaya ni Leana ang kapatid kapag naglutangan na ang mga bangkay?
Puring-puri nga si Anne ni Direk Yam dahil sa kanyang determinasyon at dedikasyon sa pelikula. Hindi rin nagpa-double ang TV host-actress sa mga buwis-buhay na eksena lalo na sa mga underwater scenes kung saan kinailangan niyang magtagal ng 30 segundo hanggang 1 minuto sa ilalim.
Sa presscon ng “Aurora” natanong si Anne kung umaasa ba siya ng best actress award para sa MMFF 2018, “I don’t think whenever you do a film, you do it just because you wanna win an award. I do it because I love to do films, I love acting.
“Getting an award, I think it’s just a cherry on the top. Of course, you would be thrilled to receive an award, but I don’t think you should go in there expecting ‘I’m gonna win an award,'” aniya pa.
Kung matatandaan, si Anne ang nanalong best actress sa 2008 MMFF entry na “Baler,” and after 10 years nga ay may entry uli siya sa taunang filmfest.
Sabi naman ni Direk Yam, “Sa lahat ng mga wini-wish ko for the movie, next to making it the way I wanted it para ma-entertain yung mga tao, my other big wish is for Anne to win best actress.
“Because in all of the films out there as an entry, with all the biggest respect to the other actresses in other entries, this is the movie, kinda big scope of a movie that there’s only one character that carries the entire film from start to finish, isa lang ang karakter—and that’s Anne.
“And that’s my greatest wish, that she wins the best actress,” sabi pa ng direktor.
Showing na ang “Aurora” sa darating na Pasko, Dece. 25 nationwide.
q q q
Asahang mas titindi pa ang traffic ngayong papalapit na ang Pasko dahil mas darami pa ang mga taong magsa-shopping ng kanilang mga pangregalo at pang-Noche Buena.
Pero kung wala ka nang oras para mag-shopping at takot makipagsabayan sa traffic, may good news ang CDO para sa hassle-free na paghahanda for your Noche Buena, Media Noche, family get-togethers, holiday reunions at Christmas parties. Makakabili na ng mga CDO Christmas products sa online sa pamamagitan ng Honestbee.
At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, siguradong ang mga CDO favorites tulad ng Christmas Treasures, Premium Holiday Ham, Pista Ham, Jamon de Bola, Pear-Shaped Ham, Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at Sweet Preserves ay made-deliver na sa inyong mga tahanan at garantisadong mas magiging masaya at magaan ang Kapaskuhan.
Sa isang simpleng pag-click online, tuloy na tuloy ang mga Filipino tradition ng paghahain ng mga Christmas food tulad ng ham at queso de bola tuwing Noche Buena at Media Noche. At sa pakikipag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed an online delivery that is not just dependable but also easy to navigate.
Perfect para sa mga busy mothers, yuppies at millennials alike, na mas madalas, naka-depende talaga sa online shopping. Honestbee completes the convenience by delivering the goods ordered online.
And as expected, kapag mula sa CDO ay may iba’t ibang high quality products na mae-enjoy hindi lang tuwing Kapaskuhan pero maging sa araw-araw.
So, start clicking now and shop at CDO Christmas Selection by CDO Food Store now. Don’t forget to add the products to your Honestbee cart.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.