NAMAYAGPAG muli ang ABS-CBN sa paghatid ng mga makabuluhang balita at kwentong puno ng aral noong Nobyembre sa pagtala nito ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Buong buwang kinapitan ng mas maraming Pilipino ang Kapamilya network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Mega Manila sa pagtala nito ng average audience share na 37% , at sa Metro Manila sa pagrehistro naman nito ng 43%.
Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagkamit nito ng 40%, sa Total Visayas kung nakakuha ito ng 53%, at Total Mindanao sa pagtala nito ng 53%.
Ang FPJ’s Ang Probinsyano (40.3%) pa rin ni Coco Martin ang numero unong palabas sa bansa, na sinundan ng flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol (30.6%).
Pasok din sa top 10 ang Ngayon At Kailanman (29.1%) nina Joshua Garcia at Julia Barretto, Halik (26.2%) nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion at Sam Milby, The Kids’ Choice (25.9%), Wansapanataym (25.1%), Home Sweetie Home (22.2%), Maalaala Mo Kaya (22%), at Meteor Garden (21.9%).
Panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime kung saan nagkamit ito ng average audience share na 49%.
Nanguna rin ang Kapamilya network sa morning block (6 a.m. to 12 noon) matapos itong magkamit ng average audience share na 37%, sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagtala nito ng 43%, at afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.) sa pagrehistro nito ng 45%.