Cherie Gil babaligtad ang mundo, aapihin ni Jo Berry

JO BERRY AT CHERIE GIL

KUNG sa GMA primetime series na Onanay ay apihan-apihan si Jo Berry sa mga kamay ni Cherie Gil, babaligtad ang kanilang mundo sa Dear Uge ngayong Linggo ng hapon dahil ang bulilit na aktres naman ang mang-aapi sa la primera contravida.

Gaganap si Cherie bilang biyudang si Angelita habang si Jo naman ang gaganap bilang terror boss na si Ms. Debbie.

Mala-living hell ang lagay ng trabaho ni Angelita pero wala siyang magagawa dahil baon siya sa utang ng kanyang yumaong asawa. Pero paano kung kailan napapaamo na niya ang kanyang terror boss ay mapagbibintangan siya nito at tuluyang mawawalan ng tiwala sa kanya?

Panoorin ang takbo ng kuwentuwaang pagbibidahan ng Onanay stars sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo.

Read more...