4 na taon, 6 na buwan nasayang sa buhay ni Bong

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

APAT na taon at anim na buwan. Napakahaba ng panahong ipinanatili ni dating Senador Bong Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Konting-konting panahon na lang at dalawang libong araw pala ang ipinanatili niya sa mainit, masikip na piitan. Pero ang lahat ng ‘yun ay isang mahabang kuwento na lang ngayon dahil nilisan na ng aktor-pulitiko ang kanyang mapait na karanasan nu’ng nakaraang Biyernes nang hapon.

Malaya na si dating Senador Bong Revilla, not guilty ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong plunder, pero nagpiyansa siya nang kulang na kalahating milyong piso sa kasong graft na matagal pang didinggin sa Sandiganbayan.

Maagang pamaskong maituturing ng pamilya Revilla ang paglaya ng aktor-pulitiko. Dininig ang kanilang mga panalangin, pati na ang hiling ng kanilang mga kaibigan at tagasuporta na harinawang makalaya na ang dating senador, nagbubunyi silang lahat ngayon.

Maraming kailangang habuling panahon ang kalalaya lang na personalidad. Habang nasa loob siya ng piitan ay pinagdamutan siyang masaksihan ang kasal ng isang anak nila ni Mayor Lani Mercado, ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanilang anak, ang dami-dami.

Maligayang pagbabalik sa malayang buhay, maligayang-maligaya ang Pasko ngayon ni dating Senador Bong Revilla. Makakapiling na niya ang kanyang pamilya ay isang malinis na imahe pa ang iniregalo sa kanya ng hustisya.

Read more...