Luis galit na galit na hinamon ang basher ni Jessy

LUIS MANZANO AT JESSY MENDIOLA

To the rescue siyempre si Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na paboritong target ngayon sa social media.

Matindi ang inaabot na upak ng seksing dalaga mula sa kanyang mga bashers. Talagang puro negatibo ang mga salitang ginagamit na pambato laban sa kanya.

Natural, bilang isang karelasyong nagmamahal, hindi gusto ni Luis ang mga nagaganap, lalo na’t sobrang personal na ang mga ipinakakaing salita sa kanyang girlfriend.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang magaling na actor-TV host ay siya mismo ang naghamong makipagkita sa isang basher na akala mo lang kumakain ng peanuts kung pintasan at ilaglag si Jessy.

Talaga namang humahaba ang buhok ng dalaga dahil sa sobrang pagmamahal at proteksiyong ibinibigay sa kanya ni Luis. Handang makipag-away ang actor-TV host dahil sa pagtatanggol sa kanya.

‘Yun naman ang konsolasyong tinatanggap ni Jessy sa kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash na tinatanggap nito ngayon mula sa mga taong never na nakakita ng positibong katangian sa kanya.

Nandiyan si Luis Manzano na handang magtanggol, handang makipagrambulan, handang harapin ang lahat-lahat ng mga kumakalaban sa kanya.

Read more...