MARAMING nagpapayo sa isang may edad nang pulitiko na huwag nang makilahok pa sa darating na halalan dahil marami na siyang nakakalimutan. Humihina na ang memorya ng pulitiko.
Maaaring dahil na rin ‘yun sa kanyang edad, matanda na ang pulitiko, payo ng kanyang mga kaibigan ay huwag na sana siyang kumandidato at magpahinga na lang sa kanyang silyang tumba-tumba.
Kuwento ng aming source, “Tanong kasi siya nang tanong sa mga aide niya kung nakapag-file na ba siya ng certificate of candidacy? E, di nga ba, may mga coverage pa nga ng COC filing niya sa mga news programs?
“Maya-maya, tatanu-ngin niya na naman ang security niya, ‘Nag-file na ba ako ng COC? Samahan n’yo ako sa munisipyo, ha?’ Kapag sinabi sa kanya ng kausap niya na nakapag-file na siya, e, nagagalit pa siya!
“Hindi pa raw! Baka raw kapag hindi siya nakahabol sa filing, e, mawalan na siya ng chance na makatakbo sa susunod na eleksiyon!
“Kapag may kamiting siya, pinapupunta niya sa house niya. Kapag dumating na ang kamiting niya, ang tanong niya naman, ‘Sino ka nga ba?’ Naloloka na lang ang bisita niya.
“Huwag na kasing tumakbo pa, magpahinga na lang sana siya, di ba? Matagal na panahon na rin naman siyang nakapagserbisyo sa city na mahal na mahal niya!” kuwento ng chikadora naming impormante.
Dahil sa kuwento tungkol sa matandang politician ay biglang naalala ng isang source ang isang veteran actor na medyo marami na ring nakakalimutan. May mga pagkakataong matagal muna itong mag-iisip bago sumagot sa tanong.
“Sana, magpahinga na lang din siya, nakakaawa naman siya. Mabagal na siyang kumilos, sumasabay sa galaw niya ang memory niya. Alam ‘yun ng mga production people na nakakatrabaho niya.
Magaling siya kung sa magaling, no question about that, pero health niya naman ang nagiging problema, saka ang memory niya.
“Mas magandang mag-rest na siya sa pag-aartista, nakakaawa naman siya, sa totoo lang,” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na! Malawak ang mundo para pamilian n’yo ng mga pangalan ng dalawang matanda nang personalidad na ito.