Dingdong, Richard napa-oo agad sa ‘Fantastica’ ni Vice

By Alex Brosas December 06,2018
share this

Dingdong, Richard napa-oo agad sa ‘Fantastica’ ni Vice

By Alex Brosas December 06,2018
share this


DALAWANG biggest Kapuso stars ang leading man ni Vice Ganda sa “Fantastica”, sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Both readily agreed na makasama ang nag-iisang Unkabogable Star.

“Ako, ‘yung opportunity na ito very special para sa akin kasi una, ngayon lang ako makakagawa ng pelikula with the Vice Ganda at sa Pasko pa.

“Pangalawa, siyempre for the longest time ay gusto ko ring makatrabaho si Richard Gutierrez dahil matagal kaming nagsama sa GMA 7. Nagsama kami sandali sa pelikula niya, sa ‘Mulawin The Movie’ pero maiksi lang. Ito lang talaga ang pagkakataon na magsama kami.

“Ang kagandahan pa doon, sa isang comedy pa with all these brilliant actors,” say ni Dingdong.
As for Richard, dobleng excitement ang naramdaman niya, “Siyempre nakaka-excite ‘yung project noong unang beses na narinig ko na for Christmas at kasama ko pa si Vice at si Dong, siyempre wala nang atrasan ‘yun, game na. It’s an opportunity of a life time.

“Yung mga ganitong klaseng concept na comedy for Christmas, pambata, pang-buong pamilya, bihira dumating ang gantiong klaseng opportunity. This is the best opportunity for me for Christmas na makasama si Vice, makasama si Dong at lahat ng cast,” he said.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending