NAGLAGAK na ng P300,000 piyansa si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Ang piyansa ay para manatiling nakalalaya si Marcos kahit na napatunayan na itong guilty sa pitong kaso ng graft kaugnay ng mga binuksan nitong Swiss account noong Pangulo ang kanyang mister na si Ferdinand Marcos.
Pinayagan si Marcos na kuwestyunin ang naging desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division.
Nauna na siyang naglagak ng P150,000 piyansa ng ibaba ang hatol matapos na kanselahin ng korte ang kanyang piyansa dahil hindi siya dumalo ng basahin ang hatol sa kanya noong nakaraang buwan.
Si Marcos ay binigyan ng 15 araw para gamitin ang mga post-conviction remedies nito gaya ng pagdulog sa Korte Suprema.
Hinatulan siya na makulong ng anim hanggang 11 taon sa bawat kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.