Sharon sa basher: Itusok ko sa eye mo ang nose ko okay lang?

December 05,2018
share this

Sharon sa basher: Itusok ko sa eye mo ang nose ko okay lang?

December 05,2018
share this


NATAWA  si Sharon Cuneta sa isang netizen na nagsabing retokada raw ang kanyang ilong.

Ayon sa Instagram user na si @pampampaola, sana raw ay hindi na ipinagalaw ng Megastar ang kanyang ilong. Anito, “Mas maganda po ‘yung ilong nyo sa Sharon Cuneta Show. Sana Di nyo na pinabago.”

Narito naman ang sagot ni Sharon, “Hahahaha di po nagalaw ang ilong ko kahit kalian. Yan pa rin yan. Sorry taas naman ng standards.”

Hinamon pa ni Mega ang nasabing netizen, “Ay basher ka lang ba ineng? Itulog na lang natin. Pag inaapi ako biglang pinapaganda ako ni Lord sige. Baka maubusan ka ng pipintasan sa akin! Yaan mo pagtulis uli nyan lumapit ka sa akin itusok ko sa eye mo ang nose ko okay lang?”

Noong 2016, inamin ni Sharon na sumailalim siya sa cosmetic surgery para mabawasan ang kanyang timbang.

q q q

Mapupuno ng kilig ang inyong weekday mornings sa back-to-back Koreanovelas na handog ng GMA Heart of Asia, na nagsimula na last Monday.

Itinatampok ng Something About 1%, sina Jeon So Min bilang Darlene, isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang guro sa isang maliit na paaralan at fan club president ng isang K-pop idol; at Ha Seok Jin bilang Irvin, isang aroganteng businessman na puro pera lang ang nasa isip.

Magbabago ang buhay ni Darlene nang minsang may matulungan siyang matanda na hinimatay sa likod ng kanilang paaralan. Hindi niya alam na ang matandang ito ay isa sa pinakamayaman sa bansa.

Inihahandog naman ng Don’t Dare to Dream ang kwento ni Nikki na ginagampanan ni Gong Hyo Jin, isang weather broadcaster na nangangarap umibig at maging isang anchor.

Matagal nang crush ni Nikki si Harvey Lee (Jo Jung Suk), ang sikat na news reporter sa broadcast station na pinagtatrabahuhan niya. Minsan, aksidenteng makakapa ni Nikki ang bukol sa dibdib ni Harvey.

Nang makumpirma ni Harvey na mayroon nga siyang sakit, nagsimula na siyang seryosohin si Nikki pero mukhang huli na siya dahil nagkakamabutihan na si Nikki at si Johnny (Go Gyung Pyo) na matalik niyang kaibigan.

Subaybayan ang Something About 1% at Don’t Dare to Dream, mula Lunes hanggang Biyernes, after The Legend of Zu sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending