GMA wagi pa rin sa ratings game; KMJS, Pepito hindi matibag-tibag
MULING pinatunayan ng Kapuso Network na ito pa rin ang mas pinapanood na TV channel nationwide!
Sa data ng Nielsen TV Audience Measurement noong Nobyembre (base sa overnight data ang Nov. 25 to 30), nakakuha ang GMA ng 38.6 percent average total day people audience share sa NUTAM o National Urban Television Audience Measurement. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) bilang most watched Kapuso show nationwide sa listahan ng top-rating programs ng Nielsen.
Sinundan ang KMJS ng Pepito Manaloto, 24 Oras, Daddy’s Gurl, Daig Kayo ng Lola Ko, Onanay at Magpakailanman.
Tampok din sa listahan ang pinakabagong primetime series na Cain At Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, pati ang Studio 7, Victor Magtanggol, Amazing Earth, 24 Oras Weekend, Wowowin, Pamilya Roces, Eat Bulaga at Kapag Nahati Ang Puso.
Sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa, Kapuso Network pa rin ang nananatiling wagi mula sa morning hanggang evening block.
Nagtala ang GMA ng 44.1 percent average total day people audience sa Urban Luzon. Sa Mega Manila naman (base sa official data mula November 1 hanggang 24), naka-45.3 percent average total day people audience share ang Siyete na malayo sa 28.5 percent ng Dos.
Samantala, Kapuso shows pa rin ang nananatiling suki sa top programs kung saan 23 spots mula sa top 30 ng Urban Luzon ay nagmula sa GMA samantalang 25 spots naman ang sa Mega Manila.
Ang data mula sa Nielsen ay base sa mas malaking bilang ng sampled homes nationwide kumpara sa Kantar Media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.