Pagreregalo ni James kay Nadine ng Ferrari ‘fake news’


NILINAW  ni James Reid na hindi niya niregaluhan ng mamahaling sports car ang girlfriend na si Nadine Lustre. Kumalat kasi sa social media ang balita na binigyan ng binata ang kanyang dyowa ng Ferrari car kamakailan.

Pero sa isang TV interview, dinenay ito ni James, sorpresa lang daw niya kay Nadine ang pagdadala ng Ferrari, “I have a friend who owed me a favor and I said if I could borrow a Ferrari, and he let me use it. So it was just a surprise. It wasn’t a gift.”

Sinabi naman ni Nadine na natuwa siya sa ginawa ni James dahil love raw talaga niya ang mga sports cars, “I was surprised, I love cars, I was a huge fan of sports cars.”

Samantala, kanya-kanya munang raket ngayon ang magdyowa. Tuloy-tuloy pa rin ang training ni James para pelikulang “Pedro Penduko” habang si Nadine naman ay nagsu-shooting na para sa “Ulan” bukod pa sa isa pang musical movie kasama si Sam Concepcion.

Read more...