Jericho favorite ng mga direktor; magaling na, professional pa


PINAG-IWANAN na nga ni Jericho Rosales ang kanyang mga kakontemporaryo sa pag-arte.

Habang walang pinagkakaabalahang proyekto ang mga nakasabay niyang magningning ang pangalan sa ABS-CBN ay heto naman ang magaling na aktor at halos wala nang tulog at pahinga sa dami ng kanyang mga ginagawa.

Paborito siyang artista ng mga direktor. Isang source ang nagkuwento sa amin na sa meeting ng mga direktor ay si Echo ang pinipiling bumida ng mga ito sa pinaplanong seryeng sila ang magiging kapitan.

“Wala kasing problema kapag si Jericho ang artista nila, mabilis ang work nila dahil magaling siyang umarte, very professional pa,” kuwento ng aming kausap.

Sa seryeng Halik ay kitang-kita ang napakahaba nang matagumpay na pagbiyahe ng talento ni Echo. Sa kahit anong eksena ay lumulutang siya, nakakaawa nga si Sam Milby sa mga eksena ng kanilang komprontasyon, parang gutom na buwaya si Echo sa pagsakmal sa kanyang kaeksena.

Matang-mata pa lang ng aktor ay umaarte na, hindi na niya kailangan pang magbato ng dialogues, ‘yun pa lang ay sobra pa sa sapat.

Iba talaga ang pagganap na may hugot. Alalahanin lang ni Jericho Rosales ang mga panahon nagkakaliskis siya ng panindang isda ng kanyang tiyahin sa palengke ng Marikina ay agaran na niyang naibibigay ang hinihingi ng eksena.

Ume-echo ang galing ni Jericho Rosales.

Read more...