KUNG nagrereklamo ka sa complicated na buhay workforce dito sa Metro Manila, hindi ka nag-iisa.
Naghihirap din ang mga manggagawang nasa kanayunan o rural agricultural workers kagaya ng nasa banana and pineapple na ini-export natin sa ibang bansa at binibili natin dito.
Nagka-chance akong makipag-usap sa kanila a few days ago sa Mindanao. Laganap din sa kanila ang hindi binabayaran ng standard na minimum pay, social protection insurance kagaya ng SSS, Pag-ibig at Philhealth.
Napakadami nila na walang security of tenure o hindi regular worker. Karamihan sa kanila ay mga “endo”, 555 at contractual workers na nakabilang sa isang malaking manpower cooperatives.
Ang mga kooperatiba na ito ang tumatayong “endo” middlemen na nagsu-supply ng mga workers sa mga mayayaman na pineapple at banana businessmen.
Bilang miyembro ng cooperative, sila ay kinakaltasan kada buwan ng social insurance at investment umano sa samahan. But in reality, ginigisa sila sa sarili nilang mantika by being given a substandard salary at hindi binigyan ng kanilang dividendo bilang kita ng cooperative.
Exposed din sila sa mga chemical at fertilizer dahil hindi sila binibigyan ng mga personal protective equipment (PPE). Kung meron man, substandard yung mga PPEs na binigay sa kanila.
Hindi sila makapagtayo ng unyon dahil tinatakot sila ng cooperatives at may-ari ng mga negosyante namawalan ng trabaho kapag sumali. Dahil martial law ngayon sa buong Mindanao, lalo silang nahihirapan.
Dahil malayo sila sa siyudad, hindi sila napapasyalan ng gobyerno at tugunan ang mga problema at pang-aapi sa kanila.
Exposed din sila sa mga pang-abuso ng mga Muslim & communist rebels at skirmish ng ga ito sa military & police. Bago mo kainin yang saging at pinya mo, isipan mo kalagayan nila!
Pineapple, banana workers hirap din
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...