Ely Buendia, Parokya, Billy, Gloc-9, Jake Zyrus sanib-pwersa sa music festival ng Frontrow


TULOY-TULOY pa rin ang pagbibigay ng tulong ng actor-businessman na si RS Francisco sa mga kapuspalad nating mga kababayan kaya naman patuloy din ang pagdating ng blessings sa kanya.

Matapos ang kanyang matagumpay na charity musical play na “M Butterfly”, magpo-produce naman si RS ng music festival para makalikom pa rin ng pondo para sa mga tinutulungan niyang charity institutions.

Gaganapin ang charity music fest na “Frontrow Cares” ng kompanya ni RS na Frontrow sa Dec. 16 sa MOA Concert Grounds kasama ang business partner niyang si Sam Verzosa. Dito magsasama-sama ang mga magagaling na OPM singers sa bansa.

Hahataw sa “Frontrow Cares” ang mga bandang Parokya ni Edgar, Spongecola, Callalily, with Ely Beundia, Billy Crawford, Gloc-9, Andrew E, Ex Battalion, Jake Zyrus at marami pang iba.

Natanong si RS sa nakaraang presscon ng charity music fest kung Paano nila pinili ang mga performers, aniya, “As much as possible, we want to get the most iconic artists, yung big stars to attract more people and actually, mostly yung mga kilala. Yung magagaling.”

Ipinagdarasal din ni RS na maging available ang mga kaibigan niyang sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Dec. 16, “Kasi parang may taping yata sila that day. Well, with prayers anything naman is possible.”

Speaking of Jake Zyrus, dahil isa nga siya sa kinuha ni RS para sa “Frontrow Cares,” magiging endorser na rin ba ng Frontrow ang transman singer? “I’d love to. You know Jake is an inspiration, Jake is an inspiration.

“I just met him personally now because I told nga the team, ‘If he’s in ABS, please, I wanna meet him na now, because I bought a large number of his book because I want his book to empower my LGBT Frontrow members,” sey pa ni RS na nagsabing marami pa silang gagawing projects with Jake.

Ibinandera rin ng actor-singer na may bagong endorser ang Frontrow pero secret daw muna kung sino ang tinutukoy niyang sikat na celebrity, “Gusto kasi namin pag ni-launch namin talagang sabog. Basta big. Ito yung tipong pag nakita nyo, pag ni-launch namin, sasabihin nyo, ‘Wow, bagay siya sa Frontrow!’

Read more...