Marian pinarangalan dahil sa ‘pagpapadede’


PINARANGALAN muli si Marian Rivera para sa kanyang breastfeeding advocacy. Kinilala ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines (MCNAP) ang kontribusyon ng Kapuso Primetime Queen bilang Celebrity Breastfeeding Influencer.

Narito ang thank you message ni Yan sa MCNAP, “Masaya akong na-share ko ang experience ko bilang breastfeeding mom noon kay Zia.

“Ready na din ako (at asawa ko) next year para sa aking ikalawang anak. Kaisa nyo ako sa layuning ito at hindi ako magsasawang suportahan at ipalaganap ang importansya ng breastfeeding,” sabi ni Marian.

Read more...